Hmm … mukhang luma na ang browser mo.
I-update natin ang browser mo para ma-enjoy ninyo ang mas mabilis, at mas ligtas na karanasan sa site.
UnitedHealthcare Community Plan Medicaid (MMA) Mga Madalas Itanong
Ano ang aming mailing address?
UnitedHealthcare of Florida, Inc.
3100 SW 145th Avenue
Miramar, FL 33027
Ano ang Medicaid?
Ang Medicaid ay isang programa para sa mga taong mayroong mababang kita na natutugunan ang ilang eligibility requirement at maaaring magkakaiba ang mga programa mula sa bawat estado. Ang Medicare ay isang federal na programa ng segurong pangkalusugan para sa mga taong mayroong edad na 65 o mas matanda, mga taong mayroong kapansanan, o iyong mga taong mayroong sakit sa bato sa panghuling antas. Ang pagiging karapat-dapat sa Medicare ay hindi batay sa kita, at ang pangunahing saklaw ay pareho sa bawat estado.
Anong mga dokumento ang aking kakailanganin kapag mag-a-apply ako para sa Medicaid?
Kapag mag-a-apply kayo para sa Medicaid, dapat ninyong punan ang isang application form. Kinakailangan ring magkaroon kayo ng iba't ibang dokumento:
- Impormasyon tungkol sa mga miyembro ng sambahayan (pangalan, petsa ng kapanganakan at Social Security number)
- Impormasyon sa renta at sangla
- Mga Gastusin (mga utility, daycare, atbp.)
- Impormasyon ng sasakyan
- Mga statement ng bangko
- Kita (mga stub ng sahod)
- Katibayan ng kapansanan o mga medikal na rekord na nagpapakita ng tumatagal na medikal na kondisyon
- Mga kamakailang medikal na bill
- Katibayan ng pagkamamamayan
- Karagdagang impormasyon kung hinihiling