Hmm … mukhang luma na ang browser mo.
I-update natin ang browser mo para ma-enjoy ninyo ang mas mabilis, at mas ligtas na karanasan sa site.
UnitedHealthcare Indiana Hoosier Care Connect Mga Madalas Itanong
Paano ako magiging miyembro ng Planong Pangkomunidad ng UnitedHealthcare?
Kung hindi ka naka-enroll sa Indiana Medicaid, maaari kang maging kwalipikado. Upang malaman kung kwalipikado ka o kung may mga tanong ka tungkol sa iyong kasalukuyang saklaw, bumisita sa in.gov/Medicaid/members, tumawag sa 1-800-403-0864, o bisitahin ang isang lokal na tanggapan ng FSSA. May listahan ng mga lokasyon ng opisina na matatagpuan dito.
Makakakuha ba ako ng ID card mula sa Planong Pangkomunidad ng UnitedHealthcare?
Oo, makakakuha ka ng ID card ng miyembro mula sa Planong Pangkomunidad ng UnitedHealthcare. Ang bawat miyembro ng pamilya na nakatala sa Hoosier Care Connect ay dapat magkaroon ng sarili nilang ID kard.
Kakailanganin mo ang iyong ID kard bilang miyembro para sa lahat ng pagbisita sa doktor, ospital, at parmasista. Kung hindi mo natanggap ang iyong mga ID kard sa loob ng isang linggo mula sa petsa ng iyong epektibong pagpapatala sa UnitedHealthcare Community Plan, mangyaring makipag-ugnayan sa mga Serbisyo sa Miyembro sa 1-800-832-4643. Kung ikaw ay may kapansanan sa pandinig o pagsasalita, tawagan ang TTY sa 711.
Paano kung mawala ang aking ID kard bilang miyembro?
Ikalulugod naming padalhan ka ng bago. Mangyaring makipag-ugnayan sa Mga Serbisyo sa Miyembro nang walang bayad, sa 1-800-832-4643. Kung may kapansanan ka sa pandinig o pagsasalita, i-dial ang TTY: 711. Maaari ka ring pumunta sa myuhc.com/communityplan, magparehistro at mag-print ng kopya ng iyong card.
Paano kung lumipat ako?
Kung lilipat ka, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa Estado ng Indiana para ipaalam ito sa kanila. Bisitahin ang in.gov/Medicaid/memberso tumawag sa 1-800-403-0864.
Ano ang aming address para sa koreo?
Planong Pangkomunidad ng UnitedHealthcare
2955 N. Meridian Street, Suite 401
Indianapolis, IN 46208
Ano ang Medicaid?
Ang Medicaid ay isang programang pinondohan ng mga pamahalaang pederal at estado, na nagbabayad para sa pangangalagang medikal para sa mga kwalipikado. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa iba't ibang programang available sa Indiana, bumisita sa in.gov/Medicaid/members
Ano ang gagawin ko kung may reklamo ako?
Gusto naming marinig mula sa aming mga miyembro ang tungkol sa anumang mga katanungan, reklamo o alalahanin na maaaring mayroon ka. Kung mayroon kang karaingan, mangyaring tawagan ang Mga Serbisyo sa Miyembro nang walang bayad, sa 1-800-832-4643, TTY 711.
Kung hindi ka nasisiyahan sa pangangalaga o paggamot ng mga Serbisyo sa Miyembro, Tagapamahala ng Pangangalaga, o tagapagbigay ng serbisyo, maaari kang maghain ng karaingan. Maaari kang maghain sa amin ng reklamo o karaingan laban sa amin (ang planong pangkalusugan) o sa isang provider anumang oras.
Ang mga miyembro ay maaaring maghain ng karaingan nang pasalita sa Mga Serbisyo sa Miyembro mula 8 am hanggang 8 pm EST, Lunes hanggang Biyernes, sa 1-800-832-4643, TTY 711. Ang lahat ng miyembro ay maaaring maghain ng karaingan sa pamamagitan ng prosesong ito.
Maaari ka ring magpadala ng liham. Pakisama ang iyong pangalan, address, numero ng ID, ang dahilan ng iyong hinaing, at anumang iba pang impormasyon na sa tingin mo ay mahalaga. Ang address na iyon ay:
Mga Karaingan at Apela sa UnitedHealthcare
P.O. Box 31364
Salt Lake City, UT 84131-0364
Mayroon kang iba pang mga karapatan na kinabibilangan ng mga apela at Patas na Pagdining ng Estado. Para sa detalyadong impormasyon tungkol sa mga reklamo at apela, makipag-ugnayan sa Mga Serbisyo sa Miyembro o tingnan ang seksyong Mga Apela at Karaingan ng Handbook ng Miyembro.
Paano ako mag-uulat ng panloloko, pag-aaksaya o pang-aabuso?
Kung sa tingin mo ay nangyayari ang pandaraya, pag-aaksaya o pang-aabuso, tawagan ang UHC Fraud Hotline sa 1-844-359-7736. Maaari ka ring tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro sa 1-800-832-4643. Hindi namin gagamitin ang iyong pangalan sa iyong ulat. Hindi ka magkakaproblema sa pag-uulat nito. Titingnan namin ang bagay para sa iyo. Ang Estado ng Indiana ay mayroon ding libreng hotline para sa pandaraya, pag-aaksaya at pang-aabuso. Pwede kang tumawag sa 1-800-403-0864. Ang mga ulat ay maaaring gawing anonimo. Maaaring mag-dial ang mga gumagamit ng TTY sa 711 para sa lahat ng mga pagpipilian.
Para sa karagdagang impormasyon o para mag-ulat online pumunta rito
May copay ba ako?
No. All covered services are free. Call us right away if you get a bill.
Kailangan ko bang magbayad para sa aking gamot sa parmasya?
No. All covered medications are at no cost to you. Call us right away if you are paying for your medicine.
Anong iba pang serbisyo at programa ang iniaalok ng planong pangkalusugan na ito?
Maaaring ma-access ng aming mga miyembro ang maraming espesyal na serbisyo at programa. Makipag-ugnayan sa mga Serbisyo sa Miyembro para sa higit pang impormasyon. Iniaalok namin ang:
- Fitness membership sa lahat ng fitness club sa aming One Pass network. Bisitahin ang isa o gamitin ang lahat na ito! Kasama rito ang:
- maraming gym at fitness center sa bansa na tulad ng YMCA at Planet Fitness
- mahigit 20,000 (na) online fitness class tulad ng Daily Burn at Yoga Works
- Doctor Chat: Available ang mga virtual na pagbisita 24/7, hindi kailangan ng appointment
- Linya ng Nars: Tumawag sa nars para sa payo 24/7
- Alternatibong Pagpapagaling: Ma-reimburse para sa mga bagay na tulad ng mga herbal na remedyo, acupuncture, masahe, o mga espesyal na bitamina
- Buwanang mga tawag sa telepono ng tagapag-alaga upang masuportahan ang mga nangangalaga para sa iba
- Mga Essential Box: Makipag-ugnayan sa amin at makakuha ng kaunting tulong sa paglilinis, hygiene, at mga pagkain na makakatulong sa iyong badyet
- Mga Pagkain ni Nanay: Ipahatid ang 14 na mga pagkain sa iyong tahanan upang makakain ka nang maayos habang nagpapagaling pagkatapos mamalagi sa ospital. Bukas din ang programang ito sa mga miyembro na nangangailangan ng panandaliang tulong sa pagkuha ng mga groserya.
- Tumutulong sa pagkonekta sa mga mapagkukunan para sa:
- Libreng mobile phone at serbisyo
- Internet at computer na kagamitan sa mga mas murang halaga
- Suporta sa SNAP, EBT at WIC
- Mga food pantry
- Tulong sa utility
- Paghahanda para sa diploma sa mataas na paaralan
- Suporta sa pagtigil sa tabako, alak o mga droga
- Programa na reimbursement sa mileage ng mga kaibigan at pamilya
- At marami pa
- Kalusugan ng isip at kagalingan: Libreng app na may mahuhusay na tool na makakatulong sa iyong subaybayan ang mood mo, maghanap ng mga paraan para makontrol ang stress at makakonekta sa iba
- Mga reward para sa mga pangkalusugang aktibidad tulad ng taunang pagpapatingin
- Mga libreng sakay papunta sa mga food pantry
- Libreng dagdag na pagdaan sa parmasya upang kumuha ng gamot pagkatapos ng appointment sa doktor
- Mga libreng sakay papunta sa mga appointment sa WIC at DFR
- Papunta Na: Libreng app para sa mga foster child at iba pang malapit na sa hustong gulang
- Justplainclear.com – online na diksyunaryo para sa mga medikal na termino na ipinaliwanag sa simple at malinaw na paraan
- Mga Manggagawa sa Kalusugan ng Komunidad: Face-to-face na suporta kapag kailangan mo nito
- Mga Unang Hakbang para sa Kalusugan: Isang libreng programa para sa mga buntis
- Komite sa Pagpapayo ng Miyembro: Ipaalam sa amin kung kumusta ang trabaho namin. Matuto pa tungkol sa iyong mga benepisyo sa Hoosier Care Connect. Dumalo sa pamamagitan ng telepono o nang personal.
Isa akong foster parent. Paano ko malalaman ang higit pa tungkol sa programang Hoosier Care Connect?
Ang lahat ng foster child ay may nakatalagang tagapamahala ng pangangalaga sa planong pangkalusugan. Upang malaman kung sino ang iyong tagapamahala ng pangangalaga, tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro. Ikokonekta ka namin. Maaari mong ikoordina at iiskedyul ang mga appointment, alamin ang tungkol sa mga sakop na benepisyo, kabilang ang mga espesyal na serbisyo sa therapy, pinahusay na programa at, kung kinakailangan, naka-customize na plano ng pangangalaga. May ilang partikular na pagbabago sa rekord ng iyong foster child na magagawa lang ng iyong nakatalagang Tagapamahala ng Kaso ng Pamilya. Ibahagi sa amin ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng iyong Tagapamahala ng Kaso ng Pamilya para mas madali ka naming matulungan na makuha ang pangangalagang kailangan ng iyong foster child.
Paano ko mahahanap ang numero ng Member ID ko?
Dapat ay mayroon kang ID card ng miyembro. Makikita mo rito ang 12 digit na numero na nagtatapos sa 99. Ito ang numero ng ID na itinalaga sa iyo ng Estado ng Indiana. Nakalista rin sa iyong ID card ng miyembro ang iyong pangunahing tagapagbigay ng medikal na serbisyo. Siya ang pangunahing doktor na titingin sa iyo para sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan. Kung wala kang ID card ng miyembro, mangyaring tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro. Magpapadala kami ng bagong card sa iyo.
Mayroon bang mobile app para sa planong ito?
Oo! Maaari mong bisitahin ang Google o Apple Apps store mula sa iyong smartphone. Download the UnitedHealthcare Mobile App1. May kasama itong digital ID card para palagi mo itong dala. Makikita mo rin ang mga claim at maa-acces mo ang pangangalaga. Mayroon kaming Linya ng Nars at Doctor Chat app na available 24 (na) oras sa isang araw, 7 (na) araw sa isang linggo.