Lumaktaw sa pangunahing nilalaman Pangunahing Nilalaman

Hawai‘i, sagot ka na namin

Walang bayad na saklaw sa kalusugan mula sa UnitedHealthcare Community Plan. Alamin ang tungkol sa mga planong pangkalusugan ng UnitedHealthcare Medicaid Med-QUEST Integration na inaalok namin sa Hawai‘i.

Ang pagtulong sa mga tao ang nasa puso ng lahat ng aming ginagawa

Karapat-dapat ang lahat sa abot-kayang pangangalagang pangkalusugan. Sa UnitedHealthcare Community Plan, tinutulungan namin ang mga tao na mamuhay nang mas malusog.

Nag-aalok kami ng iba't ibang programa para sa iyo at sa iyong pamilya upang maging malusog — at manatiling malusog. Sinasaklaw namin ang mga nasa hustong gulang, kūpuna, mga taong may kapansanan, mga hāpai na ina at mga keiki.

NCQA Health Plan Accredited Seal
NCQA LTSS Distinction Seal

Tingnan kung bakit pinili ng Hawai'i ang UnitedHealthcare

  • Maraming iba’t ibang provider ng serbisyo ng network
  • Walang-bayad na mga virtual na pagpapatingin
  • Mga inireresetang gamot na mail order
  • Pangunahing saklaw para sa ngipin at paningin
  • Mga Serbisyong Pangkalusugan ng Pag-iisip na Apektado ng Pag-uugali
  • Mga programa upang suportahan ang malulusog na pagbubuntis 

Gumawa ng aksyon upang maiwasan ang trangkaso. Naipakitang napipigilan ng pana-panahong bakuna sa trangkaso ang mga sakit na trangkaso, pagpapatingin sa doktor at pagpapaospital, at maaaring makapagligtas ito ng buhay para sa mga bata. Sinasaklaw ng UnitedHealthcare ang mga bakuna sa pulmonya, trangkaso, at shingles o kulebra.


Impormasyon ng Miyembro

Online na ngayon ang aming newsletter sa HealthTalk. Ang mga newsletter ay mahusay na paraan upang malaman ang tungkol sa aming planong pangkalusugan at mahahalagang paksa sa kalusugan.

Maaari mo itong mabasa kahit kailan, saan mo man gusto. Bumalik dito tuwing tatlong buwan para sa isang bagong edisyon.

Ingles | Korean | Ilocano | Traditional Chinese | Vietnamese


Mga Benepisyong May Value Added

  • Mga buntis at bata
  • Mga Walang Asawang Nasa Hustong Gulang, mga pamilya at Kupuna
  • Mga nakakatugon sa mga kinakailangan sa kita
  • Mga Bata at Nasa Hustong Gulang na may mga Kapansanan
  • Mga may pangmatagalang kapansanan dahil sa edad, sakit o pinsala
  • Bukas sa lahat ng edad

 


Paano Makipag-ugnayan sa Amin

Tumawag sa Mga Serbisyo sa Miyembro: Toll-Free sa 1-888-980-8728

7:45am – 4:30pm, lokal na oras, Lunes - Biyernes

Email:  communityplanhi@uhc.com

Mga Itinatampok na Programa


Mobile app ng UnitedHealthcare

Makakuha ng impormasyon nasaan ka man gamit ang UnitedHealthcare mobile app. I-download ang UnitedHealthcare mobile app sa iyong Apple® o Android® na smartphone o tablet at tingnan kung gaano kadaling maghanap ng mga malapit na doktor, tingnan ang Handbook ng Miyembro, humanap ng tulong at suporta sa iyong komunidad, o tingnan ang iyong ID card.


Healthy First Steps/Hāpai Mālama

Bumuo ng malusog na kinabukasan para sa iyo at sa iyong sanggol at makakuha ng magagandang reward sa pamamagitan ng Healthy First Steps. Tutulungan ka ng aming programang magawa ang mga tamang hakbang para mapanatiling malusog ang iyong sarili at ang iyong sanggol. At maaari kang makakuha ng reward na $20 para lang sa pag-sign up. Tutulungan ka namin:

Tutulungan ka namin:

  • Pumili ng provider sa pagbubuntis at isang pediatrician (doktor ng bata)
  • Mag-iskedyul ng mga pagpapatingin at pagsusuri at ayusin ang mga masasakyan papunta sa mga pagpapatingin mo
  • Makakuha ng mga reward para sa pagpunta sa mga pagpapatingin sa kabuuan ng iyong pagbubuntis at sa unang 15 (na) buwan ng buhay ng sanggol
helping-hands

Medicaid: Higit pa para sa Iyo sa 2023

Ang ilan sa mga benepisyo na maaaring kwalipikado ka ay kinabibilangan ng:

  • Pangangalaga bago at matapos ang panganganak para sa mga buntis na indibidwal at bagong silang na sanggol
  • Malaking network ng provider
  • Saklaw sa paningin at ngipin
  • Saklaw sa mail order na inireresetang gamot
  • Saklaw sa kalusugan ng isip
  • Mga serbisyong paggamot sa sakit sa paggamit ng substance
  • Mga taong maaaring nakakaranas ng stress, depresyon, pagkabalisa o paggamit ng droga o alkohol

Mga Serbisyong Pangkalusugan ng Pag-iisip na Apektado ng Pag-uugali

Ang kalusugan ng pag-iisip na apektado ng pag-uugali ay kasinghalaga ng kalusugan ng pangangatawan. Kung kaya’t mayroon kaming saklaw para sa dalawang ito.

Ang kinakailangang pangangalaga ay sinasaklaw nang 100% nang walang co-pay, kasama ang pagsusuri at diagnosis, behavioral therapy at gamot.

Matutulungan ka ng mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip sa mga personal na problema na maaaring makaapekto sa iyo at/o sa pamilya mo. Ang mga problemang ito ay maaaring stress, depresyon, pagkabalisa, o paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot o pag-inom ng alak. Makakatulong kami. 

helping-hands

Nawalan ka ba ng trabaho kamakailan?

Mas maraming tao na ngayon ang kwalipikado para sa QUEST Integration (Medicaid). Tingnan kung kwalipikado ka rin. Walang copay para sa mga saklaw na serbisyo.

Bisitahin ang medical.mybenefits.hawaii.gov para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagiging kwalipikado o para mag-apply.


Mga virtual na pagbisita sa Doctor Chat

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay madaling makakapagpatingin sa doktor nang personal. Binibigyang-daan ka ng mga virtual na pagbisita (o telehealth) na makipag-usap sa isang doktor 24/7 gamit ang iyong kompyuter, tablet o smartphone. Magandang opsyon ang telehealth para sa panggagamot ng mga ordinaryong kundisyon na may mga karaniwang paggamot. Narito ang ilang halimbawa:

  • Sipon, trangkaso, at lagnat
  • Ubo, mga pananakit, at pamamaga ng lalamunan
  • Mga allergy, pamamantal ng balat, at iritasyon
  • Impeksyon sa daanan ng ihi/pantog
  • Mga impeksyon sa tainga
  • Mga impeksyon sa sinus
  • Migraine/pananakit ng ulo
  • At marami pa

Transportasyon

Ang aming Med-QUEST plan ay nagbibigay ng walang limitasyong mga round trip papunta at mula sa mga lokasyon ng pangangalagang pangkalusugan. Kasama riyan ang mga pagsakay papunta sa:

  • Mga pagpapatingin sa doktor o therapy
  • Mga departamentong pangkalusugan
  • Mga klinika sa paningin
  • Mga sentro ng agarang pangangalaga
  • Mga Pharmacy

 


Ang mas malusog na pamumuhay ay nasa iyong hinaharap

Pagpapanatili ng malusog na timbang. Pagtigil sa hindi malusog na gawi. Paggawa sa kung ano ang kailangan para mapanatiling malusog ka at ang iyong pamilya. Minsan, parang imposible ang lahat ng iyon. Ngunit mayroon kaming mga programa na makakatulong. Ang aming UnitedHealthcare Healthy Behaviors program ay nagbibigay sa iyo ng access sa isang personal na tagapagturo ng kalusugan at mga mapagkukunan upang tumulong sa mga bagay tulad ng:

  • Pagbabawas ng timbang
  • Paghinto sa paninigarilyo
  • Mapang-abusong paggamit ng substance
  • Pangangalaga sa pagbubuntis at bagong silang na sanggol (UnitedHealthcare Healthy First Steps®)

Ang aming mga tagapagturo ng kalusugan ay makikipagtulungan sa iyo at sa iyong (mga) doktor upang tulungan kang magtakda ng mga layunin at subaybayan ang pag-usad mo. Magkakaroon ka rin ng pagkakataong makakuha ng mga reward kapag naabot mo ang ilang partikular na milestone.

woman-power-walking

Ano ang Medicaid Med-QUEST?

Ang Med-QUEST (Quality, Universal Access, Efficiency, Sustainability, Transformation) ay isang dibisyon ng Department of Human Services na nagbibigay ng mga benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga residente ng Hawai’i na karapat-dapat para sa Medicaid.

Ang Med-QUEST Division ay nagbibigay ng mga benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa mga residente ng Hawai’i na karapat-dapat para sa Medicaid sa pamamagitan ng QUEST Integration.

Sa QUEST Integration, lahat ng karapat-dapat na miyembro ng iyong pamilya ay maaaring pumili ng planong pangkalusugan na akma sa kanilang mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.

At kapag umabot ka sa edad na 65 at lumipat ka Medicare o kung magkakaroon ka ng kapansanan, hindi mo na kailangang baguhin ang iyong planong pangkalusugan. Maaari kang manatili sa parehong planong pangkalusugan.

Maaari kang pumili ng tradisyonal na Medicare o ibang plano ng Medicare Advantage. Lahat ng planong pangkalusugan sa QUEST Integration ay nag-aalok ng mga Medicare plan at marami ang nagbibigay ng mga karagdagang benepisyo nang walang bayad. Ang paggamit ng parehong planong pangkalusugan para sa Medicare at Medicaid ay maaaring makatulong sa iyo na ikoordina ang mga serbisyo, makakuha ng higit pang benepisyo, at mapaliit ang iyong mga gastos sa gamot. Bisitahin ang medicare.gov upang malaman ang tungkol sa iyong mga opsyon.

Sino ang karapat-dapat para sa Medicaid Med-QUEST?

Upang maging kwalipikado para sa Medicaid, ang mga potensyal na miyembro o ang kanilang mga anak ay dapat:

  • Maging residente ng Hawai‘i
  • Maging isang mamamayan ng U.S. o isang legal na residente
  • Matugunan ang ilang limitasyon ng mapagkukunan at kita
  • Ang mga taong ang pagiging karapat-dapat sa Medicaid ay pangunahing nakabatay sa kanilang kita ay magiging karapat-dapat sa ilalim ng mga sumusunod na limitasyon ng Federal Poverty Level (FPL):
    • Mga bata – hanggang sa 313% FPL
    • Mga Buntis na Babae – hanggang 196% ng FPL
    • Mga Magulang/Tagapag-alagang kamag-anak – hanggang 105% ng FPL
    • Mga nasa hustong gulang na wala pang 65 taong gulang (hindi tumatanggap ng Supplemental Security Income o Medicare)– hanggang 138% ng FPL

Ang mga taong edad 65 at mas matanda pa, o bulag o may kapansanan, ay maaaring matukoy ang pagiging karapat-dapat gamit ang mga sumusunod na limitasyon ng kita at asset:

  • Kita hanggang 100% ng FPL at hanggang $2,000 sa mga asset para sa isang sambahayan ng solong tao o hanggang $3,000 para sa isang sambahayan na may dalawa; o
  • Kung ang kita ay higit sa 100% ng FPL at ang mga asset ay tumaas ng $2,000 para sa isang sambahayan ng solong tao o hanggang $3,000 para sa isang sambahayan na may dalawa, maaaring maging karapat-dapat para sa tulong medikal sa ilalim ng programang Medically Needy Spenddown, kung mayroon siyang mga gastusing medikal na mas malaki kaysa sa tinukoy na halaga ng spenddown.

Anong mga dokumento ang kailangan para mag-apply para sa Medicaid Med-QUEST?

Kapag nag-a-apply para sa mga serbisyo, kakailanganing dalhin o ipadala sa mail (kung available) ng mga potensyal na miyembro ang mga sumusunod na dokumento:

  • Mga stub ng sahod o ang iba pang mga papel upang ipakita ang buwanang kita ng lahat ng miyembro ng pamilya.
  • Mga Social Security number para sa lahat ng indibidwal na nais ng Medicaid (hindi kinakailangan para sa mga batang wala pang 6 (na) buwan ang edad).
  • Mga papel na nagpapakita ng mga mapagkukunan ng pamilya para sa lahat ng indibidwal na nais ng Medicaid (halimbawa: mga record sa bangko, yari, modelo, at taon ng iyong mga sasakyan). Hindi ito kinakailangan kung nag-a-apply sila dahil buntis ang isang tao o kung nag-a-apply sila para lamang sa mga bata (edad 18 o mas bata).
  • Mga papel ng legal na residente kung ang potensyal na miyembro ay hindi isang mamamayan ng U.S. at nais niya ng Medicaid para sa kanyang sarili.
  • Patunay ng pagiging residente (halimbawa: bill sa gas, kuryente, o tubig, liham mula sa kanyang landlord). Hindi ito kinakailangan kung nag-a-apply para lamang sa mga bata (edad 18 at mas bata).
  • Impormasyon tungkol sa anumang segurong pangkalusugan na may kaugnayan sa trabaho na magagamit ng iyong pamilya.
  • TANDAAN: Maaaring hilingin ng isang potensyal na miyembro sa isang kaibigan o iba pang taong pinili mong maging "awtorisadong kinatawan" nila na mag-apply para sa kanya. Maaari din siyang humiling ng isang interpreter ng wika o senyas upang tulungan siyang mag-apply. Humiling ng isang interpreter kapag tumatawag upang mag-set up ng isang appointment.
Reading-newsltter

Newsletter ng miyembro ng HealthTalk

Online na ngayon ang aming newsletter sa HealthTalk. Ang mga newsletter ay mahusay na paraan upang malaman ang tungkol sa aming planong pangkalusugan at mahahalagang paksa sa kalusugan.

Maaari mo itong mabasa kahit kailan, saan mo man gusto. Bumalik dito tuwing tatlong buwan para sa isang bagong edisyon.

Newsletter ng Medicaid Ingles | Koreano | Ilocano | Chinese | Vietnamese

Powered by Translations.com GlobalLink OneLink SoftwarePowered By OneLink