
Hmm … mukhang luma na ang browser mo.
I-update natin ang browser mo para ma-enjoy ninyo ang mas mabilis, at mas ligtas na karanasan sa site.

Paano magpapatala sa isang plano ng Medicaid
Nai-post: Agosto 16, 2023
Petsa noong huling na-update: Agosto 17, 2023
Pagdating sa pagpapatala sa isang plano ng Medicaid, may 2 na mga pangunahing hakbang. Una, kakailanganin mong magsumite ng aplikasyon sa ahensya ng Medicaid sa iyong estado. Kapag naaprubahan na ang iyong aplikasyon, ang pangalawang hakbang ay piliin ang planong pangkalusugan ng Medicaid na gusto mo. Karaniwang nag-aalok ang mga estado ng 2, 3 o higit pang mga planong pangkalusugan ng Medicaid na mapagpipilian. Minsan ang isang estado ay maaaring awtomatikong mag-enroll ng mga tao sa isang plano ng Medicaid. Ngunit kung mangyari iyon, maaari kang lumipat. (Tingnan ang higit pa tungkol sa awtomatikong pagpapatala sa ibaba.)
Upang makita ang (mga) plano ng UnitedHealthcare Medicaid na magagamit sa kung saan ka nakatira, maghanap ayon sa iyong ZIP code. Makakakita ka rin ng link papunta sa website para sa ahensya ng Medicaid sa iyong estado sa pahinang "Mga Detalye ng Plano".
Ano ang kailangan mong impormasyon para makapag-apply para sa Medicaid?
Ang bawat estado ay nangangailangan ng iba't ibang impormasyon upang makumpleto ang isang aplikasyon sa Medicaid. Dapat ay handa kang magbigay ng impormasyon tulad ng:
Personal na Impromasyon
- Impormasyon tungkol sa mga miyembro ng sambahayan (pangalan, petsa ng kapanganakan at Social Security number)
- Katibayan ng pagkamamamayan
Pinansyal na Impormasyon
- Impormasyon sa renta at sangla
- Mga Gastusin (mga utility, daycare, atbp.)
- Impormasyon ng sasakyan
- Mga statement ng bangko
- Kita (mga stub ng sahod)
Medikal na Impormasyon
- Katibayan ng kapansanan o mga medikal na talaan na nagpapakita ng tumatagal na medikal na kundisyon
- Mga kamakailang medikal na bill
Maaari kang mag-enroll sa Medicaid anumang oras ng taon
Kailan ka maaaring mag-enroll sa Medicaid?
Maaari kang mag-enroll sa Medicaid anumang oras ng taon. Totoo rin iyon para sa Programa ng Seguro sa Kalusugan ng mga Bata (Children's Health Insurance Program, CHIP) . Kung nagkaroon ka ng pagbabago sa buhay, tulad ng pag-aasawa o paglipat sa ibang estado, maaari kang maging kwalipikado para sa Medicaid at dapat kang mag-apply kaagad. Ang mga buntis na kababaihan ay dapat mag-apply sa sandaling malaman nila ito. Ang saklaw ng Medicaid para sa pagbubuntis ay magagamit upang makatulong na mapanatili kang malusog at ang iyong sanggol sa buong pagbubuntis mo at sa lampas pa nito. Ang iyong bagong-silang na sanggol ay awtomatikong maitatala rin sa Medicaid.
Kailan mo maaaring baguhin ang iyong plano sa Medicaid?
Pagkatapos mong unang magpatala bilang bagong miyembro ng Medicaid, karaniwang mayroon kang 90 na araw upang palitan ang iyong plano. Kung hindi ka pipili ng planong pangkalusugan, itatalaga ka ng iyong estado sa isang plano. Pagkatapos nito, maaari lamang ilipat ng mga miyembro ng Medicaid ang kanilang planong pangkalusugan isang beses bawat taon. Ipapaalam sa iyo ng iyong ahensya sa Medicaid kung kailan mo mababago ang iyong saklaw.
Ano ang awtomatikong pagpapatala sa Medicaid?
Ang awtomatikong pagpapatala (tinatawag ding auto-assignment) ay kapag awtomatikong nagtalaga ang isang estado ng isang grupo ng mga tao sa isang partikular na plano ng Medicaid. Maaaring mangyari ito kung huminto ang isang kompanya ng segurong pangkalusugan sa pag-aalok ng isang plano ng Medicaid sa isang partikular na lugar. O kapag nagkaroon ng bagong planong pangkalusugan. Kung ang isang tao ay awtomatikong itinalaga sa isang plano at nagpasya siyang mas gusto niya ang ibang plano ng Medicaid, magkakaroon siya ng 90 na araw upang lumipat.
Kailangan mo bang muling magpatala sa Medicaid bawat taon?
Kailangang i-renew ng mga miyembro ng Medicaid at CHIP ang kanilang saklaw bawat taon. Ganito sinusuri ng mga estado na nakatutugon pa rin ang kanilang mga naka-enroll sa mga kinakailangan para makakuha ng mga pakinabang ng Medicaid. Ang prosesong ito ay kilala rin bilang Medicaid recertification. Tinatawag din ito ng ilang tao na muling pagpapatala sa Medicaid.
Sa panahon ng pandemya ng COVID-19, pansamantalang itinigil ang kinakailangan para sa pag-renew ng Medicaid. Ngunit, noong Abril 1, 2023, nagsimulang gumawa muli ang mga estado ng taunang pagsusuri sa pagiging karapat-dapat para sa Medicaid at CHIP.
Gagabayan ka namin sa bawat hakbang
Gamitin ang iyong ZIP code upang maghanap ng plano ng UnitedHealthcare Medicaid sa iyong lugar. Sa pahinang "Mga Detalye ng Plano," makikita mo ang buong listahan ng mga pakinabang, kasama ang iba pang mga value-added na pakinabang* na makukuha mo lang mula sa UnitedHealthcare. Kapag nahanap mo na ang planong gusto mo, i-click ang button na “Mga Hakbang sa Pag-enroll”. Dadalhin ka nito sa isang pahina na may mga partikular na tagubilin at impormasyon sa pakikipag-ugnayan upang makapag-apply ka para sa saklaw ng Medicaid sa iyong estado.
*Nag-iiba-iba ang mga benepisyo, feature at/o device ayon sa plano/lugar. Maaaring mailapat ang mga limitasyon, pagbubukod at/o mga paghihigpit sa network. Ang mga benepisyo sa OTC ay may mga panahon ng pag-expire. Tawagan ang iyong plano o suriin ang iyong Ebidensya ng Saklaw (EOC) para sa higit pang impormasyon.
Sa anong uri ng plano ako karapat-dapat?
Sagutin ang ilang maiikling tanong upang makita kung anong uri ng plano ang maaaring akma para sa iyo.
Maghanap ng mga plano ng Medicaid sa iyong lugar
Maaaring magbago ang mga benepisyo ng Medicaid o kwalipikado sa dalawahan na plano depende sa kung saan ka nakatira. Maghanap gamit ang iyong ZIP code upang makita ang tamang planong makatutugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.