Hmm … mukhang luma na ang inyong browser.
I-update natin ang inyong browser para ma-enjoy ninyo ang isang mas mabilis at mas ligtas na karanasan sa site.

Mga madalas itanong sa Medicaid (Frequently Asked Questions, FAQs)
Naghahanap ng impormasyon tungkol sa Medicaid? Narito kami upang tumulong. Maghanap ng mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa Medicaid — mula sa kung sino ang karapat-dapat hanggang sa kung paano mag-apply at higit pa.
Pagiging karapat-dapat sa Medicaid
Ano ang Medicaid?
Ang Medicaid ay isang programa ng pederal at ng estado na nagbibigay ng saklaw sa pangangalagang pangkalusugan sa mga taong kwalipikado. Nagpapatakbo ang bawat estado ng sarili nitong programang Medicaid, ngunit ang pamahalaang pederal ay may mga patakaran na dapat sundin ng lahat ng estado. Nagbibigay din ang pamahalaang pederal ng hindi bababa sa kalahati ng pondo para sa kanilang mga kinakailangan sa Medicaid. Alamin ang higit pa tungkol sa Medicaid at kung ano ang sinasaklaw nito.
Sino ang maaaring maging kwalipikado para sa Medicaid?
Sa lahat ng estado, nagbibigay ang Medicaid ng saklaw sa kalusugan para sa ilang taong may mababang kita, pamilya at bata, buntis, matatanda, at taong may mga kapansanan. Sa ilang estado, sinasaklaw ng Medicaid ang lahat ng nasa hustong gulang na mas mababa ang kita kaysa sa isang partikular na antas ng kita.
Ano ang mga kinakailangan para sa pagiging karapat-dapat sa Medicaid?
Ang eksaktong mga kinakailangan para maging karapat-dapat para sa Medicaid ay nakadepende sa kung saan ka nakatira. Para malaman kung ikaw ay karapat-dapat para sa Medicaid sa iyong estado, bisitahin ang website para sa Medicaid sa iyong estado. Pagkatapos ay tingnan ang mga kinakailangan para sa pagiging karapat-dapat.
Makikita mo ang link sa website para sa ahensya ng Medicaid sa iyong estado sa pahina na "Mga Detalye ng Plano" para sa bawat planong pangkalusugan na iniaalok ng UnitedHealthcare Community Plan. Upang makita ang mga planong available sa iyong lugar, mangyaring gamitin ang box sa paghahanap sa ibaba ng page na ito.
Maaari ba akong kumuha ng parehong Medicaid at Social Security? Paano ang Medicare?
Oo, hangga't natutugunan mo ang mga kwalipikasyon para sa Medicaid sa iyong estado. Hindi magbabago ang iyong pagiging karapat-dapat sa Medicaid kahit na kumuha ka man o hindi ng Seguro para sa May Kapansanan ng Social Security (Social Security Disability Insurance o SSDI). Awtomatiko kang magiging kwalipikado para sa Medicare kapag kumuha ka ng SSDI, pero may panahon ng paghihintay. Malamang na kailanganin mong maghintay ng 2 (na) taon pagkatapos mong maging kwalipikado para sa benepisyo sa kapansanan ng Social Security bago ka makakuha ng Medicare.
Alamin ang higit pa tungkol sa kapansanan sa Social Security at Medicaid at Medicare.
Pagpapatala sa Medicaid
Ano ang kailangan ko para makapag-apply sa Medicaid?
Kapag gusto mong mag-apply para sa Medicaid, kailangan mong sagutan ang isang application form. May iba't-ibang hinihingi para sa Medicaid ang iba’t ibang estado. Malamang na kailanganin mo ang iba’t ibang dokumentong gaya ng:
Personal na Impromasyon
- Impormasyon tungkol sa mga miyembro ng sambahayan (pangalan, petsa ng kapanganakan at Social Security number)
- Katibayan ng pagkamamamayan
Pinansyal na Impormasyon
- Impormasyon sa renta at sangla
- Mga Gastusin (mga utility, daycare, atbp.)
- Impormasyon ng sasakyan
- Mga statement ng bangko
- Kita (mga stub ng sahod)
Medikal na Impormasyon
- Katibayan ng kapansanan o mga medikal na talaan na nagpapakita ng tumatagal na medikal na kundisyon
- Mga kamakailang medikal na bill
Paano ako makakapagpalista sa Medicaid?
Kailangan mong mag-apply sa pamamagitan ng ahensya ng estado na namamahala sa programang Medicaid sa iyong estado. Upang makita ang mga planong available sa iyong lugar, mangyaring gamitin ang box sa paghahanap sa ibaba ng page na ito.
Kailan ang mga panahon ng pagpapatala sa Medicaid?
Maaari kang mag-apply para sa Medicaid o CHIP (ang Children's Health Insurance Program) anumang oras sa buong taon.
Paano ko mababago ang aking plano sa Medicaid?
Ang programa ng Medicaid sa bawat estado ay pinatatakbo ng pamahalaan ng estado para sa estadong iyon. Bagama't maaaring mag-alok ang ilang partikular na estado ng iba't ibang uri ng mga plano ng Medicaid, ang bawat plano ay karaniwang para sa isang partikular na uri ng tao (tulad ng mga bata, pamilya, o mga nasa hustong gulang na mababa ang kita). Malamang na hindi mo magagawang baguhin ang iyong plano sa Medicaid o lumipat sa ibang plano ng Medicaid maliban kung magbabago ang iyong sitwasyon sa buhay. (Halimbawa, kung ikaw ay mag-aasawa o mabubuntis). Maaari kang mag-apply para sa Medicaid sa anumang oras sa buong taon.
Makikita mo ang link sa website para sa ahensya ng Medicaid sa iyong estado sa pahina na "Mga Detalye ng Plano" para sa bawat planong pangkalusugan na iniaalok ng UnitedHealthcare Community Plan. Upang makita ang mga planong available sa iyong lugar, mangyaring gamitin ang box sa paghahanap sa ibaba ng page na ito.
Saan nag-aalok ang UnitedHealthcare ng mga planong pangkalusugan sa Medicaid?
Sineserbisyuhan ng UnitedHealthcare Community Plan ang mga miyembrong kwalipikado para sa Medicaid o para sa parehong Medicaid at Medicare sa 42 estado at sa District of Columbia.*
Nag-aalok ang UnitedHealthcare ng mga plano ng Medicaid sa mga estadong ito:
Arizona, Colorado, Florida, Hawaii, Indiana, Kansas, Kentucky, Louisiana, Maryland, Michigan, Minnesota, Missouri, Mississippi, North Carolina, Nebraska, New Jersey, Nevada, New York, Ohio, Pennsylvania, Rhode Island, Tennessee, Texas, Virginia, Washington, Wisconsin
*As of September 2023
Saklaw at mga benepisyo ng Medicaid
Anong mga serbisyo ang sinasaklaw ng Medicaid?
Pinamamahalaan ng bawat estado ang sarili nitong programang Medicaid kaya ang sakop ng Medicaid ay maaaring magbago sa bawat estado. Ngunit may ilang mga serbisyo na dapat sakupin ng bawat estado sa kanilang programa sa Medicaid ayon sa batas ng pederal. Tinatawag itong mga mandatoryong benepisyo. Maaari ding piliin ng mga estado na mag-alok ng iba pang benepisyo sa ilalim ng Medicaid. Tinatawag ang mga ito na mga opsyonal na benepisyo.
Kabilang sa mga mandatoryong benepisyo ng Medicaid ang:
- Pangangalaga ng inpatient sa ospital
- Panandaliang dalubhasang pangangalaga sa inpatient o pangangalaga sa pasilidad ng rehabilitasyon
- Mga serbisyo ng doktor
- Pangangalaga ng outpatient sa ospital o klinika
- Mga serbisyo sa laboratoryo at X-ray
- Panandaliang pangangalaga ng kalusugan sa bahay (ibinibigay ng isang ahensya ng pangangalagang pangkalusugan sa bahay)
- Serbisyo ng ambulansya
- Mga inireresetang gamot para sa mga taong hindi saklaw ng Medicare
Ang mga opsyonal na benepisyo na inaalok ng ilang estado ay maaaring kabilangang ng:
- Mga pagsusuri sa mata at salamin sa mata
- Mga pagsubok sa pandinig at aparatong pantulong sa pandinig
- Pangangalaga ng ngipin
- Mga screening na pang-iwas sa sakit
- Pisikal na terapiya (lampas sa inaalok sa ilalim ng Medicare)
- Hindi pang-emergency na transportasyon patungo at mula sa medikal na paggamot
- Ilang inireresetang gamot na hindi saklaw ng Medicare
- Ilang gamot na hindi inireseta, kabilang ang ilang bitamina
- Pangangalaga ng chiropractic
Maaari ba akong magkaroon ng Medicaid at pribadong seguro?
Ang Medicaid ay isang programa sa pangangalagang pangkalusugan na pinamamahalaan sa antas ng estado ng bawat pamahalaan ng estado. Gayunpaman, hindi mga pamahalaan ng estado ang aktwal na nagbibigay ng segurong pangkalusugan. Nakikipagkontrata ang mga pamahalaan ng estado sa mga pribadong kompanya ng seguro tulad ng UnitedHealthcare para magbigay ng saklaw sa kalusugan para sa mga makikinabang sa Medicaid at iba pang programa ng pamahalaan sa pangangalagang pangkalusugan. Ang aming mga planong pangkalusugan na itinataguyod ng pamahalaan ay pinatatakbo sa ilalim ng pangalang UnitedHealthcare Community Plan.
Paano gumagana ang Medicaid kasama ng iba pang seguro?
Sa karamihan ng mga kaso, ang Medicaid ang huling tagapagbayad. Nangangahulugan iyon na magbabayad ang Medicaid pagkatapos bayaran ng anumang iba pang tagapagbayad ang bahagi nito sa mga serbisyong ibinigay. Halimbawa, kung mayroon kang Medicare o anumang uri ng saklaw na pribadong pangangalaga ng kalusugan, ang Medicaid ang palaging magiging pangalawang tagapagbayad. Sisingilin muna ng mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang pangunahing tagapagbayad, at babayaran ng Medicaid ang matitira. Iyon ang dahilan kung bakit dapat sabihin ng mga nagpapatala sa Medicaid kung mayroon silang iba pang mapagkukunan ng saklaw.
Sasaklawin ba ng Medicaid ang mga nababawas?
Sa karamihan ng kaso, binabayaran ng Medicaid ang buong gastos para sa mga saklaw na serbisyo, kaya ang mga taong may Medicaid ay hindi na kailangang magbayad ng buwanang premium o anumang mga nababawas. Ngunit may ilang pagbubukod at panuntunan na nag-iiba ayon sa estado. Sa ilang kaso, kung ang isang tao ay may mga benepisyo sa Social Security, maaaring kumuha ng maliit na halaga mula sa mga benepisyong iyon upang makatulong sa pagsakop sa gastos na saklaw ng Medicaid.
Higit pa tungkol sa segurong pangkalusugan at mga karaniwang termino
Ano ang Medicare?
Ang Medicare ay isang pambansang programa ng segurong pangkalusugan na pinamamahalaan ng pederal na pamahalaan. Ito ay para sa mga taong edad 65 at mas matanda, at para rin sa ilang taong walang pang 65 taong gulang na may ilang partikular na kapansanan. Alamin ang higit pa tungkol sa Medicare.
Ano ang Batas sa Abot-kayang Pangangalaga (Affordable Care Act, ACA)?
Pinapalawak ng Batas sa Abot-kayang Pangangalaga (Affordable Care Act, ACA) ang access sa kalidad at abot-kayang saklaw sa kalusugan para sa milyun-milyong Amerikano. Nilagdaan sa pederal na batas ni Pangulong Barack Obama noong 2010, iginagarantiya ng ACA ang saklaw sa kalusugan anuman ang antas ng kita, sitwasyon sa trabaho, o mga dating kondisyon sa kalusugan.
Ano ang Dibisyon ng mga Kapansanan sa Paglaki (Division of Developmental Disabilities, DDD)?
Ang DDD ay nangangahulugang Division of Developmental Disabilities – isang dibisyon ng Departamento ng Seguridad sa Ekonomiya (Department of Economic Security, DES). Nakikipagtulungan ang DES sa mga pamilya, mga organisasyong pangkomunidad, mga tagapagtaguyod at mga pang-estado at pederal na kasosyo upang maisakatuparan ang aming kolektibong pangitain na magiging ligtas at matatag sa ekonomiya ang bawat bata, nasa hustong gulang, at pamilya.
Ano ang Pangmatagalang Pangangalaga?
Isang planong pangkalusugan na partikular sa estado para sa ilang mga tumatanggap ng Medicaid. Ito ay para sa mga nasa hustong gulang at bata na may kapansanan sa katawan.
Ano ang Pansuplementong Panseguridad na Kita (Supplemental Security Income)?
Ang Pangsuplementong Panseguridad na Kita (SSI) ay isang buwanang cash na benepisyo na binabayaran ng pederal na Social Security Administration (SSA) at Department of Health and Services (DHS) ng estado sa mga nakatatanda, bulag, at may kapansanang residente na may mababang kita. Ang mga benepisyo ng SSI ay hindi katulad ng mga benepisyo ng Social Security.
Ano ang CHIP?
Ang CHIP, na kumakatawan sa Children's Health Insurance Program, ay nagbibigay ng murang seguro para sa mga batang may mga pamilyang hindi nakakatugon sa mga kinakailangan sa mga kwalipikasyon sa pagiging karapat-dapat sa kita para sa Medicaid. Maaari ring magbigay ang CHIP ng saklaw para sa mga buntis sa ilang estado, ngunit hindi sinasaklaw ang mga may sapat na gulang na nangangalaga sa mga bata na kwalipikado para sa CHIP.
Sa anong uri ng plano ako karapat-dapat?
Sagutin ang ilang maiikling tanong upang makita kung anong uri ng plano ang maaaring akma para sa iyo.
Maghanap ng mga plano ng Medicaid sa iyong lugar
Maaaring magbago ang mga benepisyo ng Medicaid o kwalipikado sa dalawahan na plano depende sa kung saan ka nakatira. Maghanap gamit ang iyong ZIP code upang makita ang tamang planong makatutugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.