Lumaktaw sa pangunahing nilalaman
Pangunahing Nilalaman
An older gray-haired white man with moustache and glasses being given a prescription by a young female pharmacist

Ang mga inireresetang gamot ba ay saklaw ng Dalawahang Plano sa mga Espesyal na Pangangailangan (Dual Special Needs Plan, D-SNP)?

Nai-post: February 11, 2020

Petsa noong huling na-update: Disyembre 01, 2023

Nag-aalala ba kayo tungkol sa mataas na halaga ng mga inireresetang gamot? Hindi kayo nag-iisa. Maraming taong umaasa sa mga gamot ang hindi kayang magbayad para sa mga ito mula sa kanilang sariling bulsa. Kaya hindi nakapagtatakang ang saklaw ng inireresetang gamot ang unang itinatanong ng mga tao tungkol sa mga dual na planong pangkalusugan. Ang mga planong ito ay para sa mga taong may Medicaid at Medicare. At sinasaklaw ng artikulong ito ang saklaw ng inireresetang gamot na karaniwang kasama sa mga dual na planong pangkalusugan.

Kumuha ng libreng gabay mo sa dual na plano

 Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan sa isang madaling maunawaang gabay.

Hindi ba sinasaklaw ng Medicaid ang mga reseta?

Totoo iyan. Sinasaklaw ng karamihan ng mga plano ng Medicaid ang ilang inireresetang gamot. Ngunit kung alin ang mga ito ay maaaring magbago ayon sa estado. Gayundin, ang iba’t ibang estado ay maaaring may iba’t ibang panuntunan para sa mga copayment at pagbabahagi ng gastos, kaya hindi lahat ng gamot ay maaaring ganap na saklawin.

Anong mga reseta ang sinasaklaw ng Medicare?

Ang Part D ay ang bahagi ng Medicare na tumutulong sa pagbabayad para sa mga inireresetang gamot para sa mga makikinabang ng Medicare. Ngunit ito ay karagdagang saklaw na hindi ninyo makukuha sa Original Medicare. Ang magandang balita ay ang mga dual na plano sa kalusugan ay mga uri ng plano ng Medicare Advantage kaya kasama sa mga ito ang Medicare Part D. Nangangahulugan ito na maaari kayong makakuha ng higit na saklaw para sa reseta kaysa sa nakukuha ninyo ngayon sa mga plano ng Medicaid o Original Medicare. 

Ang maaaring mayroon ka ngayon

Ang maaari mong makuha

Mga pakinabang ng Medicaid

Mga pakinabang ng Medicaid

Orihinal na Medicare

Isang dual na planong pangkalusugan

Karagdagang reseta
saklaw ng gamot

Paano ninyo masasabi nang eksakto kung anong mga gamot ang sinasaklaw?

Ang lahat ng planong pangkalusugan ay may tinatawag na pormularyo. Ito ay listahan ng mga gamot na sinasaklaw ng inyong segurong pangkalusugan o plano. Tinatawag din itong listahan ng mas gustong gamot (preferred drug list o PDL). Kung tumitingin ka ng dalawahang plano mula sa UnitedHealthcare, narito kung paano tingnan ang listahan ng gamot sa dalawahang planong pangkalusugan sa Ingles o sa Espanyol:

  1. Ipasok ang iyong ZIP code sa kahon sa ibaba ng pahina upang makahanap ng plano sa iyong lugar
  2. I-click ang kahon na "Tingnan ang mga Detalye ng Plano" sa ibaba ng plano na interesante para sa iyo
  3. Piliin ang "Listahan ng Gamot" sa asul na kahon na panghanap ng provider upang makita ang mga reseta na sakop ng planong iyon

Pinakamalamang, gugustuhin ninyong malaman ang mga detalye tungkol sa mga gamot na ginagamit o iniinom ninyo ngayon. Madali lanng gawin iyan, dahil maaari kayong maghanap ng anumang gamot na gusto ninyo sa isang listahang nakaayos ayon sa alpabeto.

UCard®, only from UnitedHealthcare

Your UCard is your member ID and so much more. Gamitin ang iyong UCard para pambili ng masustansyang pagkain, mga produktong nabibili nang walang reseta (OTC) at pambayad sa mga singil sa utility.

Tandaan: Ang mga benepisyo ay nag-iiba ayon sa plano at lugar ng serbisyo. May mga nalalapat na limitasyon at pagbubukod.
Para sa mga detalye tungkol sa mga benepisyo na kasama sa iyong Dual na Plano sa mga Espesyal na Pangangailangan, tawagan ang numero ng telepono o bisitahin ang website na nakalimbag sa likuran ng iyong ID kard bilang miyembro.

Tingnan ang mga UnitedHealthcare plan sa iyong lugar

Maaaring magbago ang mga benepisyo ng dual-eligible o Medicaid plan depende sa kung saan ka nakatira. Maghanap gamit ang iyong ZIP code upang makita ang tamang planong makatutugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.

Mayroon pa ring mga tanong

Narito kami upang tumulong

Makipag-ugnayan sa amin sa:
1-844-812-5967 / TTY: 711
8 AM hanggang 8 PM lokal na oras, 7 araw sa isang linggo.

Powered by Translations.com GlobalLink OneLink SoftwarePowered By OneLink