
Hmm … mukhang luma na ang browser mo.
I-update natin ang browser mo para ma-enjoy ninyo ang mas mabilis, at mas ligtas na karanasan sa site.

Pangangalaga para sa mga taong may mga kapansanan
Nai-post: Oktubre 15, 2020
Petsa noong huling na-update: Disyembre 06, 2022
Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (Mga Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit, CDC sa Ingles), 1 sa 4 na nasa hustong gulang ang may kapansanan na nakakaapekto sa mga pangunahing aktibidad sa pamumuhay.1 At malamang na mas mataas ang bilang na iyon para sa mga tao na dual eligible na kwalipikado para sa parehong Medicaid at Medicare. Mas nagiging karaniwan ang kapansanan habang nagkakaedad, na nakakaapekto sa humigit-kumulang 2 sa 5 nasa hustong gulang na 65 taong gulang pataas.2
Kumuha ng libreng gabay mo sa dual na plano
Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan sa isang madaling maunawaang gabay.
Sinusubaybayan ng CDC ang 6 na uri ng kapansanan:
- Pagkilos (lubhang nahihirapan sa paglalakad o pag-akyat sa hagdan)
- Cognition (lubhang nahihirapan sa pagtuon ng pansin, pag-alala o paggawa ng mga desisyon)
- Pandinig (lubhang nahihirapang makarinig)
- Paningin (lubhang nahihirapang makakita)
- Pamumuhay nang mag-isa (nahihirapang gumawa ng mga errand nang mag-isa)
- Pangangalaga sa sarili (nahihirapang magbihis o maligo)
Kung isa kayong tagapag-alaga ng taong may mga espesyal na pangangailangan, maaaring tinutulungan ninyo ang isang tao na may maraming kapansanan. Maaaring tinutulungan ninyo ang isang miyembro ng pamilya, kaibigan o anak na kasama sa bahay. Anuman ang inyong sitwasyon, gusto naming ipaalam na maraming resource na makakatulong sa inyo sa pag-aalaga sa isang taong may kapansanan. Magpatuloy sa pagbabasa para malaman ang higit pang impormasyon sa pagiging tagapag-alaga ng taong may kapansanan.
Hindi madali ang pag-aalaga ng nasa hustong gulang o batang may mga espesyal na pangangailangan
Ang bawat tagapag-alaga ay may magkakaibang hamong kinakaharap. Ngunit ang isang bagay na karaniwan sa karamihan ng mga tagapag-alaga ng may kapansanan ay ang malaking oras na inilalaan nila sa gawain. Sa karaniwan, naglalaan ang mga tagapangalaga ng pamilya ng mahigit 57 (na) oras sa isang linggo upang pangalagaan ang isang taong may mga kapansanan.3 Iyon ay mahigit 8 (na) oras sa isang araw. Bukod pa ang lahat ng iyon sa trabaho at iba pang responsibilidad, kung kaya madaling maunawaan kung bakit labis na napapagod ang maraming tagapag-alaga.
Mga mapagkukunan na makakatulong sa mga tagapangalaga ng may kapansanan
|
|
|
|
|
|
|
|
Maaari kang magkaroon ng boses bilang isang tagapangalaga
Iparinig ang inyong boses. Samahan ang iba pang tagapag-alaga ng may kapansanan sa pagsisikap na mapahusay ang mga pambansa at lokal na pampublikong patakaran. Pinapadali ng mga organisasyon sa ibaba ang pakikilahok.
Mas mapapagaan din ng isang dual-eligible na planong pangkalusugan ang pamumuhay ng mga tagapag-alaga
Ang mga kwalipikado sa dalawahan na planong pangkalusugan (kilala rin bilang mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan) ay para sa mga taong kwalipikado para sa parehong Medicaid at Medicare. Ang mga dual-eligible na plano ay isang uri ng Medicare Advantage na plano. Magagamit ang mga ito kasabay ng planong Medicaid ng estado ng mga miyembro, na nakakatulong para mas madaling maunawaan kung ano ang sinasaklaw ng Medicaid at ano ang sinasaklaw ng Medicare. Kasama rin sa mga dalawahan na plano ng UnitedHealthcare ang koordinasyon ng pangangalaga.* Malaking tulong iyon kapag nakikipagtulungan kayo sa maraming doktor, espesyalista, at serbisyo sa pangangalaga. At mas pinapagaan nito ang pamumuhay ng mga tagapag-alaga pati na rin ng mga miyembro.
Tingnan ang mga UnitedHealthcare plan sa iyong lugar
Maaaring magbago ang mga benepisyo ng dual-eligible o Medicaid plan depende sa kung saan ka nakatira. Maghanap gamit ang iyong ZIP code upang makita ang tamang planong makatutugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.
*Nagiging iba-iba ang mga benepisyo at feature ayon sa plano/lugar. May mga nalalapat na limitasyon at pagbubukod.
1, 2https://www.cdc.gov/media/releases/2018/p0816-disability.html
3Pangangalaga at Pagpaplano para sa Kinabukasan para sa Mga Taong may Kapansanan, (The Arc)