
Hmm … mukhang luma na ang browser mo.
I-update natin ang browser mo para ma-enjoy ninyo ang mas mabilis, at mas ligtas na karanasan sa site.

Kailan kayo maaaring magpa-enroll sa dual na planong pangkalusugan kung mayroon kayong Medicaid at Medicare?
Nai-post: January 17, 2020
Petsa noong huling na-update: Disyembre 01, 2023
Kaya, kapag alam na ninyong kwalipikado kayo para sa dual na plano sa kalusugan, ano ang susunod? Kailan kayo maaaring magpa-enroll? Ang sagot ay maaaring nakasalalay sa inyong partikular na sitwasyon. Nasa ibaba ang kailangan ninyong malaman upang malaman kung kailan kayo maaaring magpa-enroll o lumipat sa dual na planong pangkalusugan.
Kumuha ng libreng gabay mo sa dual na plano
Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan sa isang madaling maunawaang gabay.
Maaaring hindi na ninyo kailangang maghintay
Ginaganap ang Panahon ng Taunang Pagpapa-enroll (Annual Enrollment Period, AEP) sa Medicare minsan sa isang taon sa panahon ng taglagas. Iyon ay kapag maaaring palitan ng sinumang kwalipikado ang kanilang planong pangkalusugan. Ngunit kung kwalipikado ka para sa Dual na Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan, maaaring hindi mo na kailangang maghintay. Maaaring pwede kayong mag-enroll kaagad.
Maaaring karapat-dapat kayong mag-enroll ngayon kung kayo:
- Ay 65 at bago lang na karapat-dapat para sa Medicare o mayroon kayong kapansanan na dahilan para maging kwalipikado kayo.
- Ay magreretiro na at mawawala na sa inyo ang inyong kasalukuyang saklaw.
- Ay lumipat ng tirahan sa labas ng kasalukuyang lugar ng serbisyo ng Medicare.
- Ay may hindi gumagaling-galing na kondisyon tulad ng diabetes o hindi gumagaling-galing na paghina ng puso.
- Ay tumatanggap ng mga pakinabang sa Medicaid.
Paano kung mayroon na kayong Medicare at Medicaid?
Maaari kayong magpa-enroll o lumipat sa mga dual na plano nang isang beses bawat Panahon ng Espesyal na Pagpapa-enroll (Special Enrollment Period o SEP) o sa Panahon ng Taunang Pagpapa-enroll (Annual Enrollment Period o AEP) sa Medicare. Pagkatapos ninyong magpa-enroll sa dual na planong pangkalusugan, hindi na ninyo kailangang magpa-renew. Hangga’t manatili kayong karapat-dapat, awtomatikong mare-renew taun-taon ang inyong dual na planong pangkalusugan. Ngunit kailangan ninyong muling magpa-certify para sa Medicaid taun-taon upang manatiling kwalipikado para sa dual na planong pangkalusugan.

Kailan magsisimula ang inyong saklaw?
Nakasalalay iyon sa kung kailan kayo nagpa-enroll sa dual na planong pangkalusugan.
Kung Magpapa-enroll Kayo sa: | Magsisimula ang Inyong Saklaw sa: |
Kailan kayo unang naging karapat-dapat | Ang unang araw ng buwan na kwalipikado kayo para sa Medicare |
Sa Panahon ng Espesyal na Pagpapa-enroll (Special Enrollment Period o SEP) | Sa unang araw ng susunod na buwan |
Sa Panahon ng Taunang Pagpapa-enroll (Annual Enrollment Period o AEP) | Sa unang araw ng susunod na taon |
Magpatala nang pinakamaagang kaya ninyo.
Kung mas maaga kang magpapatala, mas maaga mong magagamit ang lahat ng karagdagang benepisyo* ng dalawahang planong pangkalusugan.
Mahahalagang petsa upang maghanda para sa Panahon ng Taunang Pagpapa-enroll sa Medicare:
Mahalagang Petsa | Paglalarawan |
Oktubre 1 | Start looking for dual health plans available where you live |
Oktubre 15 | First day of AEP, when you can enroll or switch to a dual health plan for the next calendar year |
Disyembre 7 | Last day you can enroll in a plan before AEP ends |
Enero 1 | The day your new plan becomes active if you enroll during AEP |
*Nagiging iba-iba ang mga benepisyo at feature ayon sa plano/lugar. May mga nalalapat na limitasyon at pagbubukod.
Tingnan ang mga UnitedHealthcare plan sa iyong lugar
Maaaring magbago ang mga benepisyo ng dual-eligible o Medicaid plan depende sa kung saan ka nakatira. Maghanap gamit ang iyong ZIP code upang makita ang tamang planong makatutugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.