Lumaktaw sa pangunahing nilalaman Pangunahing Nilalaman

Medicare at Medicaid at kapansanan

Pinost: Hulyo 30, 2021

Petsa noong huling in-update: Disyembre 02, 2022

Ano ang Medicaid at sino ang eligible?

Ang Medicaid ay isang pederal at pang-estadong programang nagbibigay ng coverage sa pangangalagang pangkalusugan sa mga taong kuwalipikado. Ang mga taong kwalipikado para sa Medicaid ay kinabibilangan ng:

  • Mga buntis na mababa ang kita
  • Mga anak ng pamilyang may mababang kita
  • Mga batang nasa ampunan
  • Mga taong may kapansanan
  • Mga nakatatandang may mababang kita
  • Mga magulang o tagapag-alaga na may mababang kita

Pinatatakbo ng estado ang mga programa ng Medicaid. Kaya puwedeng piliin ng mga estado na magbigay ng Medicaid sa mas maraming tao, tulad ng mga indibidwal na may mababang kita na maaaring mayroon o walang anak.

Kumuha ng libreng gabay mo sa dual plan

 Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga Dual Special Needs plan sa isang madaling maunawaang gabay.

Puwede ba akong makakuha ng Medicare o Medicaid nang may kapansanan?

Eligible para sa Medicaid ang mga taong may kapansanan o mga pabalik-balik na kondisyong at may mababang kita. Nagbibigay din ang lahat ng mga estado ng mga benepisyo ng Medicaid sa matanda, bulag, at may kapansanan (ABD). Ang ABD Medicaid ay para sa mga adult 65 at mas matanda o sinumang may kapansanan ayon sa Social Security. Pero kailangan mo ring matugunan ang mga pinansyal na requirement sa eligibility sa iyong estado.

Nakasalalay sa uri ng kapansanang mayroon ka ang pagiging kuwalipikado mo para sa Medicaid o Medicare.

  • Kung may kapansanan ka sa Supplemental Security Income (SSI):
    Eligible ka para sa coverage ng Medicaid. Sa maraming estado, awtomatiko kang makakakuha ng Medicaid. Pero sa mga ibang estado, kakailanganin mong mag-sign up para sa Medicaid.
  • Kung nakakakuha ka ng Social Security Disability Income (SSDI):
    Kuwalipikado ka para sa Medicare.
Higit sa 10 milyong tao ang kuwalipikado para sa Medicaid batay sa pagkakaroon ng kapansanan
MACPAC (Medicaid and CHIP Payment and Access Commission)

Anong mga kondisyon ang kuwalipikado bilang kapansanan?

Mayroon ka mang SSI, SSDI, Medicaid, ABD Medicaid o Medicare, o wala, pare-pareho ang mga medikal na requirement. Una, dapat mong matugunan ang mga hindi pangmedikal na requirement sa may kapansanan. Pangunahing batay ang ito sa iyong history ng pagtatrabaho at mga buwis sa social security na nabayaran. Pagkatapos, ang mga buwanang benepisyo sa kapansanan ay babayaran kung inaasahang tatagal nang hindi bababa sa 1 taon o magreresulta sa pagkamatay ang kondisyong medikal.

Ang iba't ibang uri ng mga kondisyong medikal na kuwalipikado bilang kapansanan para sa mga matatanda na higit sa edad 18 ay nakalista sa tsart sa ibaba. Tandaan na nagpapakita ang tsart ng pangkalahatang listahan. Hindi kasama rito ang bawat kondisyon na maaaring ikakuwalipikado ng mga adult para sa kapansanan sa social security. Para sa buong listahan ng mga kuwalipikadong kondisyon, bisitahin ang website ng Social Security Administration (SSA) Opens in a new tab May hiwalay din na listahang pambata Opens in a new tab na nagpapakita ng mga diperensya para sa mga batang may kapansanan.

Kuwalipikadong Karamdaman sa Kalusugan

Paglalarawan

Musculoskeletal system (mga kalamnan, buto, at kasukasuan)

Ang mga problemang tulad ng panghihina ng kalamnan, limitadong range ng paggalaw at pagkawala ng o mabagal na mga reflex

Mga espesyal na pandama at pagsasalita

Pagkawala ng paningin na naglilimita sa pagkita ng mga pinakadetalye, pagbabasa, o sa mga gilid ng mata

Paghinga

Kahirapan sa paghinga, tulad ng sa COPD, pabalik-balik na bronchitis at emphysema, hika, at cystic fibrosis

Cardiovascular system (puso at mga daluyan ng dugo)

Mga karamdaman na pumipigil sa puso o sa circulatory system (mga artery, ugat, at daluyan ng dugo) na gumana nang maayos

Digestive system

Mga problema sa pagtunaw, kabilang ang hepatic (atay) dysfunction, inflammatory bowel disease, short bowel syndrome, at malnutrisyon

Genitourinary (bato)

Mga karamdaman na nagreresulta sa chronic kidney disease (CKD)

Hematological (dugo)

Mga problemang hindi nakaka-cancer sa development at paggana ng white at red blood cells at pamumuo ng dugo

Balat

Mga problema sa balat, kabilang ang mga hindi gumagaling na impeksyon ng balat o mga mucous membrane, dermatitis at pagkasunog

Kawalan ng balanse sa endocrine (hormonal)

Mga kondisyong medikal na nagdudulot sa mga gland ng katawan na bumuo ng labis (hyperfunction) o kulang (hypofunction) ng partikular na hormone

Mga congenital na karamdaman (mga depekto sa kapanganakan) na nakakaapekto sa maraming sistema ng katawan

Down syndrome at iba pang mga depekto sa kapanganakan, kabilang ang Tay-Sachs disease, phenylketonuria (PKU) at fetal alcohol syndrome

Neurological (utak at nervous system)

Mga kondisyong naglilimita sa function na pisikal at mental, tulad ng epilepsy, ALS, coma at maagang pagsisimula ng sakit na Alzheimer's

Mga mental disorder

Sumasaklaw sa malawak na range ng mga mental disorder, kabilang ang schizophrenia, depressive, bipolar at mga kaugnay na disorder, OCD, autism, mga eating disorder at mga disorder na nauugnay sa trauma at stressor

Cancer

Ang lahat ng uri ng cancer maliban sa ilang cancer na nauugnay sa impeksyon ng human immunodeficiency virus (HIV)

Immune system

Mga karamdamang nakakaapekto sa immune system, kabilang ang mga rheumatic disease, connective tissue disorder at impeksyon ng human immunodeficiency virus (HIV)

Paano kung mas mababa ang edad mo sa 65 at may kapansanan ka?

Ang mga taong wala pang edad na 65 na may mga kapansanan ay awtomatikong kuwalipikadong makakuha ng Original Medicare (Part A at B) pagkatapos nilang makatanggap ng mga benepisyo sa kapansanan mula sa Social Security para sa 24 buwan. Kung kwalipikado ka rin para sa Medicaid o kapansanan sa Medicaid, ang programa sa inyong estado ng Medicaid ay maaaring makatulong na bayaran ang mga gastos at serbisyong hindi sakop ng Medicare. Para sa anumang mga serbisyo na sakop ng parehong Medicare at Medicaid (tulad ng mga pagbisita sa doktor, pangangalaga sa ospital, pangangalaga sa bahay at skilled nursing facility care), Medicare muna ang magbabayad. Maaari ring magbayad ang Medicaid para sa mga dagdag na gastos o serbisyo, pero pagkatapos lang maubos ang hati ng Medicare.

Ano ang dual-eligible o dual special needs coverage?

Higit sa 10 milyong tao ang kwalipikado para sa Medicaid batay sa pagkakaroon ng kapansanan. 1 Mayroon ding higit sa 12 milyong tao na kwalipikado para sa Medicare at Medicaid. 2 Ang mga taong ito ay tinatawag na “dual eligible” dahil karapat-dapat sila sa Medicaid at Medicare. Nag-aalok ng mas maraming benepisyo ang mga dual-eligible health plan kaysa sa Original Medicare. Ang problema, maraming kuwalipikado sa Dual Special Needs plan na hindi alam na may mga ganitong plano.

Ano ang Dual Special Needs plan?

Ang mga Dual Special Needs plan ay para sa mga taong nangangailangan ng ekstrang tulong. Maaaring dahil iyon sa kita, mga kapansanan, edad at/o mga kondisyon sa kalusugan. Ang mga Dual Special Needs plan ay espesyal na uri ng Medicare Advantage plan. Kabilang dito ang lahat ng nakukuha mo sa Original Medicare, pati na rin coverage sa mga inireresetang gamot at maraming iba pang ekstrang benepisyo bukod pa rito. At makukuha mo ang lahat ng ito nang kasingbaba ng $0 na premium ng plano.*

Paano magpa-enroll sa isang Dual Special Needs plan

Para makita kung kuwalipikado ka para sa Dual Special Needs plan, basahin ang artikulong ito. O gamitin ang search box sa ibaba para makahanap ng mga dual health plan na available sa iyong lugar.

UCard® mula sa UnitedHealthcare lamang

Ang iyong UCard ang ID mo bilang miyembro at marami pang iba. Gamitin ang iyong UCard para bumili ng masustansyang pagkain, mga produktong nabibili nang walang reseta (OTC), at pambayad sa mga utility bill.

1 MACPAC Opens in a new tab (Medicaid and CHIP Payment and Access Commission) 
2 CMS Medicare-Medicaid Coordination Office analytics webpage Opens in a new tab

*Nagkakaiba-iba ang mga benepisyo at feature depende sa plano/lugar. May mga limitasyon at eksklusyon. 

Maaaring magbago ang mga benepisyo ng dual-eligible o Medicaid plan depende sa kung saan ka nakatira. Maghanap gamit ang ZIP code mo para makita ang tamang planong makatutugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.

Mayroon pa ring mga tanong

Narito kami upang tumulong

Makipag-ugnayan sa amin sa:
1-844-812-5967 / TTY: 711
8 AM hanggang 8 PM lokal na oras, 7 araw sa isang linggo.

Mayroon pa ring mga tanong

Narito kami upang tumulong

Makipag-ugnayan sa amin sa:
1-844-812-5967 / TTY: 711
8 AM hanggang 8 PM lokal na oras, 7 araw sa isang linggo.

Powered by Translations.com GlobalLink Web SoftwarePowered by GlobalLink Web