
Hmm … mukhang luma na ang browser mo.
I-update natin ang browser mo para ma-enjoy ninyo ang mas mabilis, at mas ligtas na karanasan sa site.

Ano ang inyong susunod na hakbang upang makakuha ng dual-eligible na plano?
Nai-post: January 17, 2020
Petsa noong huling na-update: Disyembre 01, 2023
Paano makakakuha ng dual na plano para sa mga espesyal na pangangailangan ang isang taong dual-eligible?
Madaling makakuha ng dual na plano para sa mga espesyal na pangangailangan. May 3 (na) pangunahing hakbang. Una, maaari ninyong kumpirmahin ang inyong pagiging karapat-dapat para sa dual-eligible na plano. Pangalawa, maghanap ng planong pinakamainam na nakakatugon sa inyong mga pangangailangan sa pangangalaga sa kalusugan. Pangatlo, maaari kayong mag-sign up para sa dual-eligible na plano sa pamamagitan ng ahente o online.
Hakbang 1: Kumpirmahin ang inyong pagiging karapat-dapat para sa ganitong uri ng dual-eligible na planong pangkalusugan.
Kung mayroon kayong planong pangkalusugan ng Medicare at Medicaid, pinakamalamang na dual-eligible kayo at makakakuha kayo ng dual na plano para sa mga espesyal na pangangailangan. Kumuha ng higit pang detalye sa kung sino ang dual-eligible.
Hakbang 2: Tingnan kung anong mga dual-eligible na plano ang iniaalok namin sa inyong lugar
Para sa mga detalye tungkol sa mga dual-eligible na plano sa lugar na tinitirhan ninyo at mga pakinabang na makukuha ninyo, mangyaring maghanap ng mga plano sa inyong estado.
Hakbang 3: Mag-sign up para sa dual-eligible na planong pangkalusugan
Kapag nakapagpasya na kayo kung aling dual na plano para sa mga espesyal na pangangailangan ang pinakanaaangkop sa inyong mga pangangailangan, panahon na para mag-sign up. May mga sales representative ang UnitedHealthcare upang tulungan kayo sa telepono. O maaari kayong magtakda ng pagbisita sa inyong bahay. Maaari din kayong magpa-enroll online. Tingnan sa ibaba ang mga detalye kung paano mag-sign up online.
Kumuha ng libreng gabay mo sa dual na plano
Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa mga Dalawahang Plano para sa mga Espesyal na Pangangailangan sa isang madaling maunawaang gabay.
Mag-enroll online ngayon
Upang magpa-enroll sa dual-eligible na plano online, sasagutan at isusumite ng mga aplikante ang isang online na aplikasyon ng pagpapa-enroll. The person who’s applying will be asked a series of questions and the system records the answers.
Sundin lang ang mga simpleng hakbang na ito
- Maghanap ng mga plano upang makita ang gusto ninyong salihan.
- I-click ang button na “Magpa-enroll sa Plano” upang simulan ang proseso ng aplikasyon.
- Basahin at sumang-ayon sa disclaimer ng pagpapa-enroll.
- Magbigay ng mga personal na detalye at sagutan ang mga tanong sa bawat screen.
- Siguraduhing tama ang lahat ng nasa aplikasyon at i-click ang “Isumite.”
- Makatanggap ng email na kumukumpirmang natanggap ang aplikasyon. Pakitandaan: ang mga aplikanteng hindi magbibigay ng email address ay hindi makakatanggap ng kumpirmasyon sa email.
- Kung makumpirma ng Medicare ang pagiging karapat-dapat ng aplikante, sila ay makakatanggap ng tawag o email sa unang 30 (na) araw upang i-welcome sila sa aming plano.
Dapat mong ihanda ang impormasyon sa ibaba:
- Numero ng ID sa Medicaid (Kailangan). Numero ng ID sa Medicare (Kailangan).
- Impormasyon tungkol sa iba pang plano ng seguro na mayroon ka (Kailangan).
- Pangalan ng iyong gustong doktor (o maaari kang pumili sa ibang pagkakataon) (Opsyonal, ngunit lubos na inirerekomenda).
O kaya, tawagan kami
Makipag-usap sa isa sa aming mga lisensiyadong ahente. Ikagagalak nilang sagutin ang inyong mga tanong at i-enroll kayo sa dual-eligible na plano na tama para sa inyo.
Tumawag sa 1-844-812-5967
TTY: 711
8 AM - 8 PM local time, 7 days a week. Se habla español.
Kapag tumawag kayo, pakihanda ang impormasyong ito.
- Listahan ng mga doktor Upang malaman kung nasa aming network ang inyong provider ng pangunahing pangangalaga (primary care provider o PCP) at mga espesyalista.
- Mga insurance card Upang ipakita kung anong mga plano at benepisyo ang mayroon ka ngayon.
- Mga Reseta Upang ikumpara ang saklaw na gamot at halaga.
Tingnan ang mga UnitedHealthcare plan sa iyong lugar
Maaaring magbago ang mga benepisyo ng dual-eligible o Medicaid plan depende sa kung saan ka nakatira. Maghanap gamit ang iyong ZIP code upang makita ang tamang planong makatutugon sa iyong mga pangangailangan sa pangangalagang pangkalusugan.